Japanese telco, maglalagak ng US$100 milyon dito sa Pilipinas – DICT

Nagpahayag ng interes ang Japanese telecom giant na IPS Inc. na mamuhunan sa Pilipinas, at bunsod nito, naglaan na ng karagdagang US$100 million ang kumpanya para sa mga proyekto sa bansa simula 2023 hanggang 2023, ayon sa isang miyembro ng gabinete.

Nagpahayag ng interes ang Japanese telecom giant na IPS Inc. na mamuhunan sa Pilipinas, at bunsod nito, naglaan na ng karagdagang US$100 million ang kumpanya para sa mga proyekto sa bansa simula 2023 hanggang 2023, ayon sa isang miyembro ng gabinete.

Noong Agosto 25, lumagda sa isang memorandum of support sina IPS chief executive officer Koji Miyashita at Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na layuning palakihin pa ang kapasidad ng isang moderno at secured na gateway sa Pilipinas patungo sa buong mundo sa pamamagitan ng Japan.

“This will likewise ensure unhampered data connectivity via the Eastern Seaboard away from the highly contested South China Sea,” sinabi ni Uy sa isang pahayag.

Sa karatig na pangyayari, nag-alok pa ng karagdagang P4 bilyon na halaga ng proyekto ang InfiniVAN Inc., affiliate ng IPS sa Pilipinas, na magpapabilis pa sa deployment ng National Broadband Plan, na kilala na rin bilang Broadband ng Masa Program (BBMP).

Ang alok ng InfiniVAN Inc na palawigin at pabilisin pa ang implementasyo ng BBMP ay gagawin sa pamamagitan ng public-private partnership.

Kasalukuyang pinag-aaralan ng DICT ang naturang proposal.

Layunin ng BBMP, isang sa mga flagship program ng DICT, ang magtatag ng mga libreng Wi-Fi for All sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na sa mga tinaguriang Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) and indigenous communities. Sa makabagong panahon ngayon, mahalaga na ang digital connectivity bilang isang paraan ng komunikasyon.