Janno Gibbs, naglabas ng sama ng loob laban sa naglabas ng video ng yumaong ama; mga ‘desperadong’ vloggers, kinastigo rin

Direktang sinabi ni Janno Gibs ang kaniyang mga hinanaing, partikular na sa mga pulis na nag-leak ng maselang video ni Valdez sa loob ng kaniyang kwarto kung saan siya natagpuang patay. Minura rin niya ang mga lumapastangan sa alaala ng ama.

Naglabas ng sama ng loob ang pamilya ng namayapang si Ronaldo Valdez laban sa mga pulis na naglabas ng video ng dating aktor at pati na rin sa mga vlogger na kung anu-ano nalang diumano ang pinagsasabi tungkol sa pagkamatay ni Valdez.

Sa isang press conference nitong Lunes ng gabi, Enero 15, ay direktang sinabi ni Janno Gibs ang kaniyang mga hinanaing, partikular na sa mga pulis na nag-leak ng maselang video ni Valdez sa loob ng kaniyang kwarto kung saan siya natagpuang patay.

BASAHIN RIN: Paalam sa isang haligi ng pelikula at telebisyon: Batikang aktor na si Ronaldo Valdez, pumanaw na

Ayon naman sa abogado ni Gibbs na si Lorna Kapunan, dapat magbigay ng public apology ang mga sangkot sa paglabas ng nasabing video.

“It must be with the same prominence na mag-apologize sila. Kung kinalat nila ang video sa public o nag-leak sila ng video, with the same prominence, the apology must be as public and as widespread. Sincere apology ‘yan,” ani Kapunan.

Gayunpaman, hindi raw nila ihahabla ang mga pulis na sangkot dito.

Kinastigo rin ni Gibbs ang mga vloggers na aniya’y gumagawa ng kung anu-anong istorya tungkol sa pagkamatay ni Valdez dahil sobrang desperado sa mga likes at views.

BASAHIN RIN: Galit na galit ang manager sa pagbastos sa alaala ni “Lolo Sir!” 2 pulis na sangkot sa pagkalat ng video ng yumaong Ronaldo Valdez, sinibak sa pwesto

“Ganito na ba kababa, ka-desperado ang mga vloggers for likes and views. At the expense of our lives, my father’s reputation, my family, ganon na ba talaga ka-desperado?” tanong ni Gibbs.

May mensahe rin siya sa mga nasabing vlogger at sa mga nag-share at nagpasa ng naturang video: “Sa kanilang lahat… pati sa lahat ng netizens na nag-share at nagpasa ng video, I want to say, shame on you or better yet, f_ck you. I think that’s the better statement.”