Janitor umamin sa panununog ng eskuwelahan

Inamin ng isang janitor ang ginawa nitong sadyang panunugod ng isang eskuwelahan sa San Carlos, Negros Oriental noong Biyernes.

Inamin ng isang janitor ang ginawa nitong sadyang panunugod ng isang eskuwelahan sa San Carlos, Negros Oriental noong Biyernes.

Nasunog ang Daisy’s ABC School kung saan nadamay rin ang dalawang bahay na pagmamay-ari ni Mayor Renato Gustilo at kanyang lolo.

Ayon sa janitor na hindi na pinangalanan, sinabi umano sa kanya na tatanggalin na siya sa eskuwelahan simula June 15.

Ito ang naging dahilan kaya bumili siya ng isang galon ng gasolina, ibinuhos ito sa stockroom ng paaralan at saka nagsindi ng kandila.

Paliwanag naman ng janitor, ang eskuwelahan lang ang nais niya sanang masunog at hindi ang bahay ng mayor.

Napag-alaman na kaya tinanggal ang janitor ay dahil pumapasok umano ito ng lasing at amoy yosi sa paaralan.