Janella Estrada, proud sa ama: Jinggoy nanumpa na sa bagong senate role

Binati ni Janella Ejercito Estrada ang ama na si Senator Jinggoy Estrada para sa bagong tungkulin nito sa Senado.

Binati ni Janella Ejercito Estrada ang ama na si Senator Jinggoy Estrada para sa bagong tungkulin nito sa Senado.

Pormal na kasing nanumpa si Jinggoy bilang bagong Senate President Pro Tempore kasunod ng pag-upo ni Senator Chiz Escudero bilang Senate President.

Pinalitan ni Jinggoy si Senator Loren Legarda bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng Senado.

Sinamahan ni Janella, na siyang executive director ng National Authority for Child Car at dating Vice Mayor ng San Juan, ang kanyang ama sa seremonya ng panunumpa noong Lunes. Ibinahagi ni Janella ang kanyang pagbati sa kanyang Facebook page.

“Congratulations Senate President Pro Tempore, Jinggoy Estrada! 🧡 Good luck and God bless, Dad! 🙏🏼” sabi ni Janella sa kanyang Facebook post.

TINGNAN: