James Reid handa na lumagay sa tahimik?

Nagpahiwatig si James Reid na handa na siya sa next chapter ng kanyang buhay.

Nagpahiwatig si James Reid na handa na siya sa next chapter ng kanyang buhay.

Ayon sa singer/actor, nag-iiba na ang kanyang priority ngayong 31 anyos na siya.

Aniya, mas naka-focus siya ngayon sa kanyang music career, at posibleng mag-settle down na rin daw siya na posibleng pinatutungkulan ang pagpapakasal sa kanyang girlfriend na si Issa Pressman.

“It’s really trying to see my music through, trying to see my career through, really just doing things the right way. And maybe settling down soon,” ayon kay James.

Nang matanong kung handa na ba siya sa ‘next level’ ng relasyon nila ni Issa, sinabi nito na marami na siyang natutunan sa naging pagsasama nila.

“I think so. I think I learned a lot from my 20s and hopefully we all do,” saad niya pa.