James Reid binida lambingan kay Issa Pressman

In-enjoy ni James Reid ang ganda ng Bali, Indonesia kasama ang kanyang dyowa na si Issa Pressman.

In-enjoy ni James Reid ang ganda ng Bali, Indonesia kasama ang kanyang dyowa na si Issa Pressman.

Sa Instagram post ni James, makikita ang sweet moments nila ni Issa habang nililibot ang bali.

May caption na ‘One’ ang naturang post, na tingin ng mga netizen ay marka ng isang taon na pagsasama ng dalawa.


Pero sa kabila ng mahabang panahon na pagmamahalan ng dalawa, hindi maiwasan ng ilang netizen na i-bash pa rin sina James at Issa.

Matatandaan kasi na nadawit si Issa sa naging hiwalayan noon nina James at Nadine Lustre.

HIrit ng ilang netizen, wala raw dating o kilig kapag nakikita nila ang celebrity couple na magkasama.

Heto ang ilan sa kanilang comments:

“Ewan ko ha pero wla ako makitang kilig sa kanila.”

“Wala kayong dating bat ganun.”

“Trying hard to be relevant.”

May lan namang fans na dumepensa para kina James at Issa, at pinayuhan ang ilang Jadine shippers na mag-move on na dahil pareho naman nang may kanya-kanyang karelasyon sina James at Nadine.