Jaclyn Jose pumanaw na – report

Sumakabilang-buhay na ang veteran actress na si Jaclyn Jose.

Sumakabilang-buhay na ang veteran actress na si Jaclyn Jose.

Siya ay edad 59.

Ayon sa report ng Abante News Online, wala nang malay nang matagpuan ang aktres sa kanyang bahay sa Loyala Grand Villas sa Quezon City nitong Lknggo, Marso 3.

Nadulas umano ang aktres at walang kasama sa bahay.

Ilang malapit kay Jaclyn ang nagkumpirma sa pagpanaw ng aktres.

Si Jaclyn ay huling lumabas sa ongoing Kapamilya series na ‘FPJ’s Batang Quiapo’ na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Naiwan ni Jaclyn ang kanyang dalawang anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimon Ilagan Guck.

Nakilala si Jaclyn sa ilang pelikula tulad ng ‘Ma’ Rosa’, ‘Serbis’, ‘The Flor Contemplacion Story’ at ‘Masahista’.

Nagwaging Best Actress sa Cannes Film Festival si Jaclyn para sa pelikulang ‘Ma’ Rosa’ taong 2016. Nasungkit din ni Jaclyn ang ‘Best Actress trophy sa ‘Sarong Banggi’ noong 2006.