Jackpot prize sa 6/42 draw naswertehan

Isang mananaya ang nakakuha ng winning combination sa Lotto 6/42 draw nitong Sabado.

Isang mananaya ang nakakuha ng winning combination sa Lotto 6/42 draw nitong Sabado.

Ayon sa PCSO, naswertehan ng mananaya ang kombinasyon na 17-21-12-24-30-02.

Kaya naman, sosolohin niya ang premyong P14,652,151.40.

Samantala, wala namang nanalo sa Grand Lotto 6/55 draw. Walang naka-swerte sa kombinasyon na 22-55-24-48-44-43.

Ang Lotto 6/42 draw ay ginaganap tuwing Martes, Huwebes, at Sabado, habang tuwing Lunes, Miyerkoles, at Sabado naman ang Grand Lotto.