Iyakin daw? Duterte mahilig mang-insulto, nilektyuran ni PBBM

Tila pinangaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si ex-President Rodrigo Duterte dahil sa panibagong banat ng huli.

Tila pinangaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si ex-President Rodrigo Duterte dahil sa panibagong banat ng huli.

Sa press conference ni Duterte, sinabihan nitong ‘crybaby’ o iyakin si Marcos na palagi umanong lumalapit sa Amerika.

“You are a crybaby, always America, America, America… And you call yourself, you call our place Republic of the Philippines?” hirit ni Duterte.

Ayon naman kay Marcos, hindi niya na pinapansin ang mga personal na tirada ni Duterte, na matatandaang tinawag na rin siyang ‘adik’ noon.

“I don’t pay attention to that. I really don’t. That means absolutely nothing to me,” saad ni Marcos.

Aniya pa, dapat ay alam na ni Duterte na mali ang mga ‘ad hominem’ na patama lalo pa’t isang abogado ang dating Pangulo.

“The former president is an experienced lawyer. He should know that ad hominem attacks like that have no place in these kinds of very important and very precarious discussions,” wika pa ni PBBM.