Iwas krisis: Consolidated na linya ng mga jeepney, bibigyan ng special permits simula 2024 para di maantala ang byahe

Pagdating ng Enero 1, 2024 ay tatanggalan na ng prangkisa ang mga jeepney na hindi sumunod sa mandatong konsolidasyon ng pamahalaan, kanya naman puspusan sa paghahanda ang mga ahensiya ng pamahaalaan upang siguraduhing walang transport crisis sa susunod na taon.

Pinagpaplanuhang maigi ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung paano sisiguraduhing walang krisis sa transportasyon sa susunod na taon matapos lumipas ang deadline ng franchise consolidation para sa mga jeepney.

Partikular na pinagtutuuan ng pansin ng dalawang ahensiya ang pagsisigurong may sapat na mga jeep sa iba’t ibang ruta upang hindi maabala ang mga pasahero kahit pa mapapawalang-bisa ang prangkisa ng mga jeep na hindi susunod sa mandato ng pamahalaan.

Kaugnay niyan, sinabi ng parehong ahensiya na “after December 31, 2023, all consolidated units will continue to operate on their existing routes and will be allowed to apply for special permits on routes without consolidation pursuant to LTFRB MC No. 2023-052.”

BASAHIN RIN: Wala nang atrasan, wala nang bawian: Konsolidasyon sa ilalim ng PUV Modernization Program, hanggang Disyembre 31 lamang—PBBM

Umaasa rin ang DOTr at LTFRB sa tulong ng lokal na pamahalaan.

“LGUs (local government units) will also assist the LTFRB and DOTr after the December 31, 2023 deadline in the implementation of PUVMP (public utility vehicle modernization program) in their jurisdiction particularly ensuring the adequate supply of PUV services,” dagdag ng naturang mga ahensiya.

Dagdag pa ng DOTr at LTFRB, lahat naman ng pangunahing ruta sa Metro Manila ay saklaw ng mga grupong sumunod na sa konsolidasyon.