Iwas ‘kamote’! JV Ejercito bubuhayin mandatory training sa mga rider

Balak na buhayin ni Senador JV Ejercito ang kanyang panukalang batas na magtatakda ng mandatory training para sa mga motorcycle rider.

Balak na buhayin ni Senador JV Ejercito ang kanyang panukalang batas na magtatakda ng mandatory training para sa mga motorcycle rider.

Ayon kay Ejercito, ito’y para maiwasan ang pagkalat ng mga ‘kamote’ o mga pasaway na rider sa kalsada.

“Marami na ngayon ang tinatawag na kamote. Yan yung mga makukulit na nagmo-motor. Akala mo nangangarera lagi. Magulo sa kalye,” saad ni Ejercito.

Lahad pa ng mambabatas, ang training ay makatutulong para maiwasan ang mga aksidente sa kalsada.

“Subukan ho uli natin yung mandatory training na bago ka pagbentahan ng motor, ay dapat meron kang certificate na ikaw ay talagang nag-undergo ng basic training and riding skill,” lahad ni Ejercito.

“So, siguro ito yung dapat na nating seryosohin at tingnan i-prioritize, dahil dumadami na riders sa Pilipinas,” aniya pa.