Iwas init! DepEd paiikliin susunod na school year

Tangka ng Department of Education (DepEd) na tapusin nang mas maaga ang school year 2024-2025 upang hindi magdusa sa init ang mga mag-aaral.

Tangka ng Department of Education (DepEd) na tapusin nang mas maaga ang school year 2024-2025 upang hindi magdusa sa init ang mga mag-aaral.

Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, sumulat na sila sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa kanilang plano.

“Nonetheless, in response to the recent clamor for a more immediate reversion to the April-May school break, the Department has already submitted a letter to the Office of the President presenting other options including a more aggressive alternatives of ending school year 2024 to 2025 in March,” saad ni Bringas.

Sa panukala ng ahensya, sisimula ang school year 2024-2025 sa Hulyo 29 at magtatapos sa Marso 24 sa susunod na taon.

Ang plano ay kasabay ng layuning ibalik sa dati ang umpisa ng pasukan sa bansa.

Dagdag pa ni Bringas, hindi na magsasagawa ng make-up class ang ahensya para sa mga nasuspindeng klase ngayong school year.

Aniya, ito’y dahil nagsagawa naman ng alternative delivery modes (ADM) gaya ng asynchronous classes sa mga araw na sinuspinde ang face-to-face classes dahil sa init ng panahon.