Iwas impeksyon! Hubad underwear kapag tag-init, minungkahi ng dating DOH Secretary

Nirekumenda ni Iloilo Rep. Janette Garin sa kababaihan na kung kakayanin ay huwag munang magsuot ng underwear ngayong tag-init.

Nirekumenda ni Iloilo Rep. Janette Garin sa kababaihan na kung kakayanin ay huwag munang magsuot ng underwear ngayong tag-init.

Sa isang press conference, minungkahi ng dating kalihim ng Department of Health (DOH) na magandang maiwasan ang pagpapawis ng private part.

Aniya, prone kasi sa fungal infection ang intimate area kaya magiging sanhi ng sakit kapag lagi itong napapawisan ngayong summer season.

“Pag tag-init ang mga babae ay prone din sa fungal infection, hindi yan sexually transmitted disease, yan ay dala ng yung normal flora sa intimate area, sa pubic area, sa perennial area ng babae, kapag medyo basa, napapawisan at mainit yung panahon yan ay perfect petridish para dumami yung fungi yung candida albicans na nasa balat ay dadami siya kaya siya nagiging makati,” paliwanag ni Garin.

Saad ni Garin, kung nasa bahay lang ang isang babae ay maaaring huwag munang magsuot ng underwear.

“May gamot naman yan but you have to keep that area dry kaya nga minsan lalo na sa tag-init, wala lang malisya ‘no, pero kung nasa bahay ka lang naman or matutulog it’s quite advisable na walang underwear pero naka-pajama ka naman or naka-shorts,” wika pa ng mambabatas.

“Yung ventilation na yan ay epektibo para mapigilan or hindi na lumala yung fungal infection,” aniya pa.