Iwas hack! PCG paiigting cybersecurity

Nakatakdang magsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng isang pagsusuri sa kanilang system hardware matapos ang ikalawang pag-hack ng kanilang Facebook page kamakailan.

Nakatakdang magsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng isang pagsusuri sa kanilang system hardware matapos ang ikalawang pag-hack ng kanilang Facebook page kamakailan.

Nitong Marso 29 lang ay na-hack ang Facebook page ng PCG kung saan nagkaroon ito ng mga post ukol sa iba’t ibang pelikula at palabas.

Dahil sa insidente na ito ay nakipag-ugnayan ang ahensya sa mga information technology (IT) expert ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Meta para mapalakas pa lalo ang kanilang cybersecurity.

“The CGPAS (PCG Public Affairs Service) coordinated with the Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) under the Department of Information and Communications Technology (DICT) and Meta to conduct backend operations and assess the security breach,” ayon sa pahayag ni , PCG spokesperson Rear Adm. Armando Balilo nitong Martes.

Ani Balilo, bagaman hindi pa natutukoy ang may pakana ng pangha-hack, nabawi naman na umano ng PCG ang access sa kanilang page.

Samantala, noong Pebrero 27 ay unang na-hack ang naturang page.