Iwas goyo: PNP bubusisiin natatanggap na ‘tip’ tungkol kay Quiboloy

Iimbestigahang maigi ni Philippine National Police ang kanilang natatanggap na mga impormasyon ukol sa kinaroroonan ni Kingdom of Jesus Pastor Apollo Quiboloy.

Iimbestigahang maigi ni Philippine National Police ang kanilang natatanggap na mga impormasyon ukol sa kinaroroonan ni Kingdom of Jesus Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa PNP, ang paghihigpit ay kanilang gagawin upang hindi mailigaw ng kung sinuman ang kanilang imbestigasyon.

Marami umano kasing nagbibigay ng maling impormasyon matapos ilahad ng Police Regional Office (PRO)-11 (Davao) na makakatanggap ng cash reward ang makakapagturo sa pastor.

“Baka meron doon ay nililigaw naman yung ating focus kung saan yung sa tingin natin ay maaaring matagpuan itong mga wanted persons na ating hinahanap,” saad ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

“One of the challenges is we know that the subject of our warrant of arrest is a high profile individual. He has resources, he has supporters so we continue to appeal to Pastor Quiboloy and his five co-accused, spare your supporters, your relatives. Face the charges. On the part of the PNP, we are just implementing the law,” dagdag pa nito.

Samantala, pag-aaralan pa ng PNP ang pagtaas ng pabuya para sa makakapagbigay ng impormasyon na magdudulot sa pagkakaaresto ni Quiboloy.