Iwas antok! Homily dapat iksian ng mga pari – Pope Francis

Inudyukan ni Pope Francis ang mga Catholic priest na iksian lang ang kanilang homily para maiwasan ang pagkaantok ng mga nagsisimba.

Inudyukan ni Pope Francis ang mga Catholic priest na iksian lang ang kanilang homily para maiwasan ang pagkaantok ng mga nagsisimba.

Ayon sa Santo Papa, kung maaari ay limitahan sa walong minuto ang haba ng misa.

Aniya, ito’y dahil nawawalan na ng interes ang mga tao kapag sobrang haba ng homily at nakakatulog lang sila sa misa.

Giit pa ni Pope Francis, “Priests sometimes talk a lot and you don’t understand what they are talking about.”

Ngunit ilang reporter sa Vatican ang nagsasabi na minsan ay napapahaba rin ang homily ni Pope Francis.

Ayon kay Courtney Mares, Vatican journalist, noong Holy Week ay tumagal ang homily ni Pope Francis ng 20 minuto.