Ivana Alawi sinorpresa nanay ng P2M!

Bigatin ang Mother's Day gift ni Ivana Alawi para sa kanyang ina!

Bigatin ang Mother’s Day gift ni Ivana Alawi para sa kanyang ina!

Sa vlog ni Ivana, dinala niya sa palaisdaan ang kanyang ina para manghuli ng tilapia.

At bawat isdang mabibingwit ng kanyang ina ay tutumbasan niya ng P200,000!

Pero ang hindi alam ng nanay ni Ivana ay nakahanda na ang P2M ng aktres para iregalo sa kanya.

“Kailangan nating suklian ang kabutihan ng ating ina. Sabi ko nga, habang kasama pa natin ang mga nanay natin, habang nandito pa sila sa ating mundo, dapat iniingatan natin sila, pahalagahan natin sila,” saad ni Ivana.

“At kung ano ang care na binigay nila sa atin noong mga bata tayo, dapat suklian natin sila. Si Mama Alawi, napaka-hardworking, talagang tutok siya sa amin,” aniya pa.

Naiyak nga ang nanay ni Ivana sa malaking pera, bukod pa sa regalo rin na natanggap nito sa iba pa niyang anak.