Ivana Alawi sinorpresa jeepney driver ng P50K

Naranasan ni Ivana Alawi na maging jeepney barker sa isang araw!

Naranasan ni Ivana Alawi na maging jeepney barker sa isang araw!

Sa kanyang latest vlog, nangharang si Ivana ng jeep para kumbinsihin na maging barker sa biyaheng Quiapo na ruta.

Isa sa sorpresa ay lahat ng sasakay sa jeep ay binibigyan ni Ivana ng P1,000.

Pero bukod sa mga pasahero, nabiyayaan din ni Ivana ang driver ng kanilang nasakyang jeep.

Emosyonal ang jeepney driver na si Joseph at kanyang misis nang mag-abot si Ivana ng P50,000.

“Ambait kaya ni kuya, sobrang hardworking. Imagine niyo 9 years old, nagtatrabaho na siya,” wika ni Ivana.

“Hindi ko po inaasahan na ako ‘yung mapipili niyo na masasakyan na jeep,” lahad pa ng ‘Batang Quiapo’ actress. “Malaking tulong po sa amin ‘to.”