Ivana Alawi ‘di bet makasama si Kim Domingo — Ogie Diaz

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang ilang tsismis na kanyang narinig ukol sa pag-alis at pagpatay sa character ni Ivana Alawi sa "Ang Batang Quiapo."

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang ilang tsismis na kanyang narinig ukol sa pag-alis at pagpatay sa character ni Ivana Alawi sa “Ang Batang Quiapo.”

Sa YouTube vlog ni Ogie, sinabi nito na ayon sa kanyang narinig ay tila may hidwaan sa pagitan nina Ivana at Kim Domingo.

Ayon pa umano sa usapan, ito ang dahilan kung bakit hiniling ni Ivana na patayin na lang ang kanyang karakter sa naturang palabas.

“Ngayon may isa pa akong nabalitaan, nabalitaan ko lang naman ito ‘no?” pag-uumpisa ni Ogie.

Parang may something-an itong si Kim Domingo at si Ivana Alawi noon pa. Ang narinig ko pa kung gaano katotoo ito at itanong na rin natin dito (SU) na itong si Bubbles o Ivana Alawi ay nakipag-usap sa upper management para sabihing hindi niya gusto na makaeksena itong si Kim Domingo. Kaya raw nag-resort na patayin na lang ang karakter niya,” kwento pa nito.

Humirit naman ng pabiro si Dyosa Pockoh: “Uma-attitude.”

Natatawa namang sinabi ni Mama Ogie at Mama Loi: “Si Dyosa po ang nagsabi, ha!”

PANOORIN: