Ituro niyo na sila: P100,000 pabuya laban sa mga suspek sa pagpatay sa MisOcc broadcaster

Umaasa ang mga awtoridad na mapapabilis ang pag-aresto sa mga salarin sa pagpatay sa broadcaster sa Misamis Occidental sa pagpapalabas ng pabuya.

Nagpalabas ang gobyerno ng P100,000 pabuya para sa anumang impormasyon na makatutulong upang maaresto ang mga suspek sa likod ng pagpatay kay Misamis Occidental radioman Juan “Jonny Walker” Jumalon.

“In the wake of the senseless killing of (Jumalon) of 94.7 Calamba Gold FM in Misamis Occidental, a reward of P100,000 is promised to anyone who can step forward with information that will lead to the apprehension of the suspects,” sinabi ng Presidential Task Force on Media Security sa isang pahayag sa Facebook noong Nobyembre 6

Naglabas rin noong Nobyembre 6 ang Misamis Occidental Police Provincial Office ng closed-circuit television footage at isang computerized sketch ng isa sa diumano’y tatlong suspek.

Si Jumalon ang ikaapat na mamamahayag na pinaslang mula nang maupo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Hunyo ng nakaraang taon

Binaril si Jumalon habang nagho-host ng kanyang programa sa radyo sa kaniyang tahanan sa Calamba noong Nobyembre 5.