‘It’s Showtime’ ni Vice Ganda, tuloy paglipat sa GMA!

Selyado na ang paglipat ng 'It's Showtime' sa GMA-7.

Selyado na ang paglipat ng ‘It’s Showtime’ sa GMA-7.

Ito’y matapos na magkaroon ng contract signing ang mga bossing ng GMA at ABS-CBN nitong Miyerkoles, March 20.

Kasama rin sa event ang mga host ng ‘It’s Showtime’ pati ang big star ng Kapamilya na si Vice Ganda.

Ayon kay GMA chairman Felipe Gozon, ang pagsasama ng Kapuso network at ABS-CBN ay nagpapatunay na tapos na ang network war.

Aniya pa, inaasahan na magkakaroon pa ng mas maraming collaboration ang GMA at ABS-CBN sa hinaharap.

Samantala, nagalak naman si ABS-CBN CEO Carlo Katigbak sa pagkuha ng GMA sa kanilang noontime show.

Papalitan ng ‘It’s Showtime’ ang ‘Tahanang Pinakamasaya’ na matatandaang nagpaalam na sa ere ngayong buwan.