‘It’s Showtime,’ iaapela sa MTRCB ang 12-araw na suspensyon

Magpa-file ng Motion for Reconsideration ang ABS-CBN matapos suspindihin ng MTRCB ang programang 'It's Showtime' ng 12 araw

Hindi natinag ang pamunuan ng ‘It’s Showtime’ matapos itong patawan ng 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kamakailan lang.

Bagkus, sinabi ng ABS-CBN sa isang pahayag na ito ay magpa-file ng Motion for Reconsideration mabaligtad o mapawalang-bisa ang ipinataw ng parusa sa noontime show, na noon ay nasuspinde na rin ng ahensya dahil sa mga reklamo ng kalaswaan.

“We have received the ruling from the MTRCB, indicating that ‘It’s Showtime’ will be suspended for a duration of 12 days from finality of the decision,” sambit ng ABS-CBN, na nagsabi ring wala namang nilabag na batas ang “It’s Showtime.”

Matatandaang umani ng batikos ang nasabing programa sa umano’y malalaswang kilos ng mga host nitong sina Vice Ganda at Ion Perez sa segment na Isip Bata. Ito naman ang naging dahilan sa pagpataw ng MTRCB ng suspensyon matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa concerned citizens.

Nilinaw naman ng ABS-CBN na makikpagtulungan sila sa MTRCB upang tiyakin na makapagbibigay saya ang ‘It’s Showtime’ sa mga manonood.