‘It’s Showtime’ host tinangkang halayin sa condo; manyak tinukoy!

Tinangka umanong halayin ng isang lalaki ang 'It's Showtime' host na si Cianne Domingez matapos itong sundan sa kanyang condo.

Tinangka umanong halayin ng isang lalaki ang ‘It’s Showtime’ host na si Cianne Domingez matapos itong sundan sa kanyang condo.

Sa post ni John Florendo, ang tatay ni Cianne, kinilala nito ang suspek na si Shervey Torno, isa umanong dancer sa gay bar.

Sinundan daw si Cianne sa condo nito at sinubukang halikan ng lalaki.

“𝐒𝐡𝐨𝐫𝐭 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐢𝐬, 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐮𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭 𝐟𝐨𝐥𝐥𝐨𝐰𝐞𝐝 𝐦𝐲 𝐝𝐚𝐮𝐠𝐡𝐭𝐞r t𝐨 𝐡𝐞𝐫 𝐜𝐨𝐧𝐝𝐨, forcibly 𝐩𝐫𝐞𝐯𝐞𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐝𝐨𝐨𝐫 𝐭𝐨 𝐛𝐞
𝐜𝐥𝐨𝐬𝐞𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐡𝐞𝐥𝐝 𝐡𝐞𝐫 𝐰𝐚𝐢𝐬𝐭 𝐟𝐨𝐫𝐜𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐨 𝐤𝐢𝐬𝐬𝐞𝐝 𝐡𝐞𝐫,” ayon sa nagpakilalang tatay ni Cianne.

“𝐆𝐨𝐨𝐝 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐦𝐲 𝐝𝐚𝐮𝐠𝐡𝐭𝐞𝐫 𝐢𝐬 𝐬𝐭𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐞𝐧𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐭𝐨 r𝐞𝐬𝐢𝐬𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐮𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭 𝐫𝐚𝐧. 𝐌𝐲 𝐝𝐚𝐮𝐠𝐡𝐭𝐞𝐫 𝐭𝐨𝐨𝐤 𝐚 𝐯ide𝐨 𝐟𝐨𝐨𝐭𝐚𝐠𝐞 𝐨𝐟 𝐡𝐢𝐦 𝐚𝐬 𝐡𝐞’𝐬 𝐞𝐬𝐜𝐚𝐩𝐢𝐧𝐠,” saad pa.

Kumalat din ang video na kuha ni Cianne kung saan makikitang patakas ang manyak na nadulas pa sa pagbaba ng hagdan.

Nasa kustodiya na umano ng Quezon City Police District 10 ang suspek.