Ito ata ‘yung tinatawag nilang ‘grind’: Kabataang Pinoy, mas malamang na rumaraket kaysa regular na trabaho–survey

Ayon sa isang survey, mas malimit na rumaraket o suma-sideline ang mga Pilipinong kabilang sa tinatawag na Gen Z dahil nais nilang makuha ang financial independence.

Bukod na regular na trabaho, gusto rin ng mga nakababatang Pilipino na magkaroon ng part-time job upang mas mapabuti ang kanilang kapasidad pangpinansiyal.

Ayon sa survey ng market research firm na Agile Data Solutions, Inc., 60 porsyento ng kanilang respondents ay may part-time job, at karamihan dito ay mga nakababatang Pilipino.

“We see an increasing number of Filipinos, particularly the younger generation, seeking part-time employment as a means to bolster their income and attain financial stability. This trend is further driven by the prevailing economic challenges and inflation, which reached 6.1 percent in September,” paliwanag ni Agile Data Solutions chairman at chief executive officer Jason Gaguan.

Ayon rin sa survbey, prayoridad ng mga Pilipinong edad 18 hanggang 25, na kabilang sa tinatawag na Gen Z group, ang financial independence, samantalang flexible working hours naman ang sa mas nakatatandang henerasyon (41 hanggang 60 anyos).

“This illustrates a willingness among Filipinos to exchange time for financial stability in their younger years. As individuals age, their focus tends to shift towards the importance of time and achieving a better work-life balance,” sabi pa ni Gaguan.

Ang mga karaniwang mga part-time jobs na nakukuha ngayon ay virtual assistant, service crew, at information technology.