Ito ang susi sa pagbabagong inaasam! People’s Initiative ang daan sa Charter Change—Ako Bicol Party List

Aniya, pumirma na siya sa petisyon dahil may “consensus in the House of Representatives” na kailangang baguhin ang ibang probisyon ng Saligang Batas upang mas maging kaaya-aya ang bansa sa mga banyagang mamumuhunan.

Ang petisyon para sa People’s Initiative upang amyendahan ang Saligang Batas ay ang tanging paraan upang matuloy ang Charter Change.

Iyan ang pananaw ni Ako Bicol Party List executive director Alfredo Garbin Jr., na isa anya sa mga sumusuporta sa inisyatibong ito.

Ayon sa Article XVII ng Saligang Batas, maaaring amyendahan ng Kamara ang konstitusyon “upon a vote of three-fourths of all its Members.” Subalit madalas na pinagtatalunan dito ay kung boboto ba bilang isang grupo ang Senado at House of Representatives o bilang magkahiwalay na sangay.

BASAHIN RIN: Fake news yarn! Alok na P20 milyon kada mambabatas para suportahan ang Charter Change, hindi totoo—mambabatas

“Ito yung palaging nagiging rason upang hindi maituloy ang kailangan na amendment,” saad ni Garbin sa isang panayam.

Aniya, pumirma na siya sa petisyon dahil may “consensus in the House of Representatives” na kailangang baguhin ang ibang probisyon ng Saligang Batas upang mas maging kaaya-aya ang bansa sa mga banyagang mamumuhunan.

“And that’s why ang taumbayan na mismo ang sumulong nito at ilagay na mismo sa Constitution,” aniya.