Itlog naman ang magmamahal? Presyo ng itlog tataas ng kaunti pero mananatiling ‘stable’ ang suplay—DA

Magtataas ng kaunti ang presyo ng itlog dahil sa taas ng demand, pero kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na sapat ang supply nito.

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na bagaman may kaunting pagtaas sa presyo ng itlog ay mananatiling stable ang suppy nito.

“It will increase a little [presyo ng itlog], but since our supply is stable, we do not expect that there will really be a very steep increase in the price of eggs. Right now, the average egg price is around P6.70 to P9 per piece, depending on where you buy it. But that P6.70 is reasonable at this moment,” pahayag ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa sa isang briefing ng Bagong Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, Oktubre 6.

Dagdag ni de Mesa, peak season ng demand ng itlog ngayon dahil may pasok na sa eskwela at nalalapit na ang Pasko.

“During school time, students eat an egg before leaving and they also have them as packed food in school; and when the Christmas season is near, the demand for eggs is also high. Forty percent of our egg production is used by industrial users, those who make bread, cakes, in hotels and restaurants; sixty percent are our household users,” De Mesa said.

Gayunpaman, kumpiyansa si de Mesa na ang commercial production ng 36 millyong itlog ay magiging sapat kahit mataas ang demand.

“So this is enough for the consumption of every Filipino of about 160 eggs per year or that is equivalent to eight kilos of eggs per Filipino in a year. So, our level of production is good,” dagdag ng opisyal.