Itapon na ‘yan sa kolonya! Dalawang bantay ng preso sa BuCor, tiklo sa suhulan

Na-aktuhan sa suhulan ang dalawang tauhan ng Bureau of Corrections sa ikinasang entrapment operation ng mga awtoridad.

Dalawang corrections officer ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nahuli at nakulong dahil sa suhulan.

Sa magkahiwalay na operasyon, parehong huli sina Corrections Officer 1 Arnel Jamero at Corrections Senior Officer 2 Henry Escrupulo ng mga tauhan ng BuCor and the Muntinlupa police.

Ayon sa ulat ng BuCor unang nahuli si Jamero, isang officer maximum security compound ng New Bilibid Prison, na tumanggap ng P6,500 galing kay Corrections Officer 1 Marvin Asoy upang mapabilis umano ang pagbibigay sa kanya ng armas mula sa BuCor armory.

Sa interrogation, sinabi ni Jamero ibibigay lang niya diumano ang pera kay Escrupulo, na pinuno naman ng escorting unit ng BuCor. Dahil dito ay nagkasa na rin ng isa pang operasyon laban kay Escrupulo, na inaresto matapos nitong tanggapin ang bribe money galing kay Jamero.

Nakita naman sa cell phone ni Escrupulo ang mga text messages niya kay Senior Insp. Alex Hizola, ang armory chief ng BuCor, tungkol sa naturang transaksyon.

Pinaghahanap na rin ng pulisya si Hizolain.