Italian ambassador nagpaalam na kay PBBM; bet mag-retiro sa Pinas

Opisyal nang nagpaalam si Italian ambassador to the Philippines Marco Clemente kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Martes para sa kanyang farewell call sa Malacañang.

Opisyal nang nagpaalam si Italian ambassador to the Philippines Marco Clemente kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Martes para sa kanyang farewell call sa Malacañang.

Nagpaabot ng pasasalamat si Clemente kay Marcos dahil sa mainit na pagtanggap ng gobyerno at ng Pilipinas sa loob ng tatlong taong paninilbihan bilang ambassador sa bansa.

Ayon kay Clemente, plano niyang mag-retiro at tumira sa bansa dahil may naging malapit sa kanyang puso ang Pilipinas.

“I did something which for me was a sign of love for this country. I did something, which is very unusual for my colleagues, I decided to end a career here. Normally, people go back to the ministry to stay there for some months,” sabi ni Clemente.

Naging Ambassador to the Philippines si Clemente ng republika ng Italy simula 2021.