Isyu sa West Philippine Sea, kasama sa tatalakayin: PBBM, dadalo sa ika-50 anibersaryo ng ASEAN-Japan Commemorative Summit

Ang aktuwal na summit ay gaganapin sa Disyembre 17, at isa sa mga tatalakayin rito ay ang mga kaganapan sa West Philippine Sea.

Nakatakdang lumipad patungong Japan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong linggo para dumalo sa ika-50 anibersaryo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Japan Commemorative Summit.

Aalis si Marcos sa Disyembre 15, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Daniel Espiritu.

“Now, this is very important because Japan is one of the first dialogue partners of ASEAN, and it’s one of the most dynamic,” paliwanag ni Espiritu sa isang Palace briefing nitong Lunes, Disyembre 11. “And its participation in ASEAN has covered not only political security matters such as defense and transnational crime and mutual legal assistance, but also mutual economic activities which all help in community building in ASEAN and also cultural and people-to-people activities.”

Dagdag pa ni Espiritu, maaaring magkaroon rin ng bilateral meeting sa pagitan ni Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Ang aktuwal na summit, ayon rin kay Espiritu, ay gaganapin sa Disyembre 17, at isa sa mga tatalakayin rito ay ang mga kaganapan sa West Philippine Sea.