Isunod naman ang gasolina, Mr. President! Gobyerno, itinakda sa P41 kada kilo ang presyo ng bigas

Itinakda ang presyo ng bigas sa pagitan ng P41 at 45 bawat kilo, ayon sa kautusan ng Malakanyang, upang gawing abot kaya ang karaniwang pagkain ng mga Pilipino matapos umalagwa ang presyo nito sa mga nakalipas na buwan.

Itinakda ang presyo ng bigas sa pagitan ng P41 at 45 bawat kilo, ayon sa kautusan ng Malakanyang, upang gawing abot kaya ang karaniwang pagkain ng mga Pilipino matapos umalagwa ang presyo nito sa mga nakalipas na buwan.

Inaprubahan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) na itakda ang presyo ng regular milled rice sa P41 bawat kilo at ang presyo ng well-milled rice sa P45 kada kilo, ayon sa ipinalabas na Executive Order No. 39, na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Huwebes, ika-31 ng Agosto.

Ang pagtatakda ng presyo ng bigas ang isa sa mga napagkasunduan ng mga ahensya matapos ang pagpupulong kasama ng pangulo noong ika-29 ng Agosto, kung saan binigyan rin siya ng mga update tungkol sa estado ng supply ng bigas sa buong bansa.

Ipapatupad ang mga naturang price ceiling kaagad matapos ang pagpapalimbag nito sa Official Gazette.

Iginiit sa kautusan na talamak pa rin ang iligal na pagmamanipula ng presyo ng bigas sa pamamagitan ng hoarding ng mga kartel ng supplier, kaya umalagwa ang pagtaas ng presyo ng karaniwang pagkain.

“Despite steady supply of rice, the DA and DTI have also reported widespread practice of alleged illegal price manipulation, such as hoarding by opportunistic traders and collusion among industry cartels in light of the lean season … have caused an alarming increase in the retail prices of this basic commodity,” ayon sa kautusan.

Inutusan ng Pangulong Marcos ang DA at DTI na siguruhin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga pagtakda sa presyo ng bigas, bantayan ang mga di-pangkaraniwang paggalaw sa presyo, at tugisin ang mga nagsasamantala sa sitwasyon sa tulong ng Department of the Interior and Local Government.

Samantala, pinagsabihan rin ni Marcos ang Bureau of Customs na palawigin ang operasyon nito laban sa mga smuggler sa pamamagitan ng patuloy na inspeksyon sa mga warehouse at pagsalakay sa mga iligal na nagtatago ng bigas.