Isumbong niyo kay VP Sara! Mga guro, bawal bigyan ng volunteer work kapag tapos na ang school year

Muling ipinaalala ni Bise Presidente Sara Duterte na hindi maaaring bigyan ng anumang trabaho ang mga guro sa taunan nitong end of school year break.

Giniit ni Bise Presidente at Education Secretary Sara Duterte na bawal bigyan ng kahit anong volunteer work ang mga guro sa loob ng kanilang 30 na araw na break pagkatapos ng School Year 2023-2024.

Sa kickoff program ng National Teachers’ Month na ginawa sa Bohol Wisdom School, pinunto ni Duterte na makakapagpahinga ang mga guro ng isang buwan, at nakalagay na ito sa opisyal na school calendar ngayong taon.

“We made sure that this year’s school calendar, teachers will have 30 straight days of rest during the break without any DepEd activity that requires volunteer work,” ani Duterte. “All activities with voluntary participation is scheduled after the said 30-day break.”

Balak rin ng Department of Education na magpalabas ng memo sa mga school heads at regional directors na magpapanagot sa kanila kapag may guro na magrereklamong sila ay pinagrereport sa trabaho habang umiiral ang End of School Year break nila, na magaganap ng Hunyo 17 hanggang Agosto 25.

Sa kanyang talumpati, pinuri ni Duterte ang mga guro bilang inspirasyon ng buong kagawaran.

“Our teachers spark of inspiration in every classroom, the guiding light of countless possibilities and better futures, and the builders of our nation’s dreams,” aniya.

“Teachers have essentially helped build our country. And teachers will always be there as we move forward with our aspirations to see a stable, secure, peaceful, and strong motherland,” dagdag pa ni Duterte.