Israeli envoy, tiniyak na walang namatay na Pinoy sa kaguluhan sa Jerusalem

Tiniyak ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss nitong Linggo, Oktubre 8, na walang namatay na Pilipino sa gitna nang gulong kinasasangkutan ngayon ng Israel at Hamas.

Wala pang naitatalang namatay na Pilipino sa karahasang naganap sa Israel noong Sabado, Oktubre 7.

Tiniyak iyan ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss nitong Linggo, Oktubre 8, sa gitna nang gulong kinasasangkutan ngayon ng Israel at Hamas.

Dagdag naman ni Fluss sa isang conference na poprotektahan ng Israel ang mga Pilipino gaya nang pagpoprotekta nito sa mga Israeli.

“As I said, the fighting is still continuing until now. I have seen the report regarding OFWs (overseas Filipino workers) being kidnapped. We treat them (Filipinos) like any other Israeli national and we try to protect them as well as we try to protect our israeli citizens,” pahayag ni Fluss.

Samantala, sinabi naman ni Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa using post sa X (dating Twitter) na kasalukuyang mino-monitor ng ahensiya ang sitwasyon sa Israel.