Isang pasada pa! IRR ng Maharlika Fund, muling pinaparepaso ni PBBM

Pinapa-review muli ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) upang makasiguro na sapat ang mga probisyon nito tungkol sa transparency.

Ipinagutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suspindihin pansamantala ang pagpapatupad ng implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) at muling aralin ang mga nakalakip na probisyon nito.

Sinulatan ni Executive Secretary Lucas Bersamin sina Bureau of Treasury officer-in-charge Sharon Almanza, Land Bank of the Philippines president at CEO Lynette Ortiz, at Development Bank of the Philippines president at CEO Michael de Jesus para ipaalam ang pasya ng Pangulong Marcos tungkol sa usapin.

“With reference to the IRR of RA No. 11394, and upon the directive of the President, the Treasurer of the Philippines, in coordination with the LBP and DBP, is hereby DIRECTED to suspend the implementation of the IRR of RA No. 11954 pending further study thereof, and to notify all concerned heads of departments, bureaus, offices and other agencies of the executive department, including GOCCs, of such action,” ayon sa memorandum na pinirmahan ni Bersamin noong Oktubre 12.

Sa isa pang kaugnay na pahayag, sinabi ng Office of the Executive Secretary na nais pa muling pasadahan ng Pangulo ang IRR upang makasigurong sapat ang mga probisyon nito pag dating sa transparency at accountability.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. issued a suspension because he wanted to study carefully the IRR to ensure that the purpose of the fund will be realized for the country’s development with safeguards in place for transparency and accountability,” ayon sa tanggapan ni Bersamin.