Isang Miyembro ng CTG na umano’y nakaengkwentro ng militar, patay na ng matagpuan ng awtoridad

Agad nagsagawa ng clearing operation sa lugar ang awtoridad matapos ang engkwentro ngunit nakita ang bangkay ng sumunod na araw, ayon sa militar.

LABO, Camarines Norte – Naaagnas na nang matagpuan ang isang lalaki na pinaniniwalaang myembro ng Communist Terrosist Group (CTG) sa Sitio Abuyog, Barangay Macogon, Labo, Camarines Nort nitong Linggo, Nobyembre 25.

Nabatid na nakuha ang bangkay 500-metro lamang ang layo kung saan una ng nagkaroon ng 15 minutong palitan ng putok ang rebeldeng grupo at mga tauhan ng 9th Infantry Battalion Philippine Army sa parehong lugar, dakong alas-8:00 ng umaga nito lamang Nobyembre 25.

Ayon naman sa tagapagsalita ng 9th Infantry Division Philippine Army na si Capt. Frank Roldan, agad naman na nagsagawa ng clearing operation sa lugar ang awtoridad matapos ang engkwentro ngunit nakita ang bangkay ng sumunod ng dalawang araw.

Base naman sa otopsiya ng Scene the Crime Operatives (SOCO), tama ng bala sa binti at ulo ang ikinamatay ng biktima.

Posible rin umano na buhay pa ito subalit iniwan na lamang ng mga kasamahan nito hanggang sa bawian ng buhay.

Narekober naman sa posiyon nito ang ilang basyo ng bala ng baril.

Blangko pa hanggang ngayon ang awtoridad sa pagkakakilanlan ng CTG lalo na’t wala pa na ring umaakong kapamilya.

Samantala, alas-4:00 ng hapon nitong Biyernes, Desyembre 1 nang mailibing na ang bangkay ng CTG sa Bulhao Public Cemetery ng nasabing bayan sa tulong ng PNP, Militar at Lokal na Pamahalaan ng Labo.