‘Isang Linggong Serbisyo’, dadalhin ni Imelda Papin sa PCSO

Ipapatupad na ng bagong Acting Board Member ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Imelda Papin ang kanyang programa na "Isang Linggong Serbisyo" para sa mga Pilipinong nakakaranas ng problema sa kalusugan.

Ipapatupad na ng bagong Acting Board Member ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Imelda Papin ang kanyang programa na “Isang Linggong Serbisyo” para sa mga Pilipinong nakakaranas ng problema sa kalusugan.

Ayon kay Papin, planong gawing Lunes hanggang Linggo ang serbisyo ng ahensiya para matiyak na matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino, lalo na sa medical assistance, kahit Sabado at Linggo.

“Kahit Sabado at Linggo, we will probably put up a call center or line para matugunan agad ‘yung mga tao basta complete ‘yung requirements nila. Kailangan mailabas agad ‘yung tulong kasi nakakaawa ‘yung mga taong nakapila, naghihintay. I bring this up to the board,” ani Papin.

Matatandaang si Papin ay naging bise gobernador ng Camarines Sur mula 1998 hanggang 2004 at mula 2019 hanggang 2022. Inaalala niya ang kanyang nakaraang karanasan sa pagtulong sa mga nangangailangan.

“Ako ay nasanay na sa pagtulong dahil ang papa ko noon ay nasa politics for 20 years. Nakita ng dalawang mata ko ‘yun. Marami na akong natulungan.” pahayag ni Papin.

Dagdag ni Papin, personal niyang inirekomenda ang programa sa Pangulong Bongbong Marcos.

Kahit may mga bashers sa kanyang pagkakatalaga, sinabi ni Papin na kumpiyansa siya sa kanyang kakayahan. “Malakas ang loob ko. I face anyone. Sanay na sanay ako sa intriga sa showbiz. I always give my smile sa criticisms.” aniya.

Inaasahan ng mga Pilipino na ang bagong programa ni Papin ay magbibigay ng mas mabilis at mas mahusay na serbisyo sa mga nangangailangan ng tulong mula sa PCSO.