Isang e-mail ka lang! BIR hahabulin ang tax evaders online

Inatasan ng BIR ang mga regional directors at collection officers na gumamit ng e-mail sa pagbibigay ng warrant of garnishments sa mga bangko na may accounts ng mga taxpayers na may malaking utang na buwis sa gobyerno.

Gagamit ang Bureau of Internal Revenue (BIR) nang bagong diskarte para habulin ang mga indibidwal na atrasado sa mga tax payments.

Ayon sa BIR, gagamit ito ng electronic capabilities alinsunod na rin sa Regulations No. 11-2023 na ibinaba ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr.

Sa bisa ng nasabing dokumento, inatasan ni Lumagui ang mga regional directors at iba pang collection officers ng ahensiya na gumamit ng e-mail sa pagbibigay ng warrant of garnishments (WGs) sa mga bankgkong may accounts ng mga taxpayers na may malaking atraso sa gobyerno.

Sa paggamit ng email, umaasa ang BIR na mas mapapabilis ang mga proseso nito dahil hindi na kailangan dalin pa ang mga WGs ng personal—isang prosesong mabagal, inefficient, at malimit na dahilan ng mga delay.

Binibigyang-diin rin ng mga bagong patakaran ang mga bentahe sa paggamit ng electronic communication, na tutulong sa BIR na matukoy ng mas mabilis ang mga utang ng taxpayers at makolekta rin ito.