Isang boto lang! Mahigit 27,000 na kandidato sa BSKE, sure win na

Isang boto lang ang kailangan ng alos 27,500 na kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) dahil tumatakbo silang unopposed—o walang kalaban sa halalan, ayon sa datos ng Comelec.

Halos 27,500 na kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ay tumatakbong unopposed—o walang kalaban sa halalan, ayon sa datos ng Commission on Elections (Comelec).

Dahil dito, isang boto lang ang kailangan ng mga nasabing kandidato at sila na ang tatanghaling panalo. Sa katunayan, kailangan lamang nilang iboto ang kanilang sarili upang manalo sa halalan.

Ayon sa Comelec, 7,226 na barangay ang may kumakandidatong barangay captain na walang kalaban, samantalang 8,057 villages naman ang may kukandidatong SK chair na unopposed rin.

Bukod pa rito, mayroong 1,611 barangays kung saan walang kalaban ang mga kandidato para sa kagawad.

Mayroon namang 10,620 barangay kung saan walang kalaban ang mga tumatakbo para sa SK.

Pinakamaraming unopposed canditates sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kung saan may 1,200 kandidato para sa barangay captain ay walang kalaban.