Isabelle Daza flight attendant na, goodbye showbiz na ba?

Usap-usapan ngayon sa social media ang kunakalat na mga larawan ni Isabelle Daza na nakasuot ng uniporme ng flight attendant at nagse-serve sa mga pasahero ng Cebu Pacific na biyaheng Davao.

Usap-usapan ngayon sa social media ang kunakalat na mga larawan ni Isabelle Daza na nakasuot ng uniporme ng flight attendant at nagse-serve sa mga pasahero ng Cebu Pacific na biyaheng Davao.

Kaya ang tanong ng marami, nag-paalam na ba sa showbiz ang anak ni Gloria Diaz?

Marami ang nag-sabi na bagay kay Isabelle ang maging flight attendant.

Gayunpaman, may mga nagsasabing bahagi lang ng marketing promo ng Cebu Pacific ang gimik kaya’t nakita ang aktres sa propesyon na iyon.

Posible raw na kinuhang endorser si Isabelle upang makaengganyo ng mas maraming pasahero.