Isabay na rin ang pagsa-ayos ng ugali ng drayber! Tumataas na bilang ng disgrasya na sangkot ang PUV, patunay na kailangan ang modernisasyon nito — LTO

Nasa ikalawang hakbang na ang PUV Modernization Program (PUVMP) matapos ang mandating konsolidasyon, subalit may mga grupo pa rin na kumokontra rito.

Patunay ang tumataas na biglang ng aksidenteng kinasasangkutan ng mga tradisyunal na jeepney na kailangan na talagang gawing moderno ang sektor ng transportasyon sa pamamagitan ng PUV Modernization Program (PUVMP), ayon sa Land Transportation Office (LTO).

“This is not the first time that this fatal accident happened. We heard and saw them in the past that this will go on if the government would not take appropriate action to modernize our transport system,” ani LTO chief Vigor D. Mendoza II.

BASAHIN RIN: Higit sa lahat ng ganansya, moderno pati mindset nila! Mga kooperatiba, ibinida ang mga benepisyo ng PUV modernization

Nasa ikalawang hakbang na ang PUVMP matapos ang mandating konsolidasyon, subalit may mga grupo pa rin na kumokontra rito.

Pero ayon kay Mendoza, mahalagang ituloy ito para mabigyan ng kumportable at ligtas na transportasyon ang mga komyuter.

“The government’s goal of reducing unnecessary deaths and injuries due to road accidents includes a shift to a safer, comfortable, convenient, and sustainable modernized public transportation under the PUV Modernization Program,” sabi pa ni Mendoza. “Our commuting public deserves better transportation system and this is why the PUV Modernization Program comes into play.”