Isa wagi sa lima! Tangkang pagnanakaw ng 5 katao, pinigilan ng 1 construction worker; isa sa kanila, ginilitan pa ng leeg

Dead on the spot ang isa sa limang suspek matapos itong saksakin ng construction worker sa leeg gamit ang dala nitong bolo. Ang mga kasamahan niya, agad namang nagpulasan.

Napigilan ng isang construction worker ang tangkang pagnanakaw na isang grupo sa pribadong sementaryo sa Tayabas City, Quezon nitong Martes ng umaga, Enero 16.

Ayon sa Quezon provincial police office, nagising ang construction worker na si “Christian” bandang 2:40 ng madaling araw nang makita niya ang tangkang pagnanakaw ng lima katao sa speed cutter at mga mixer na gamit sa pagtatayo ng isang musoleyo sa nasabing sementeryo.

Dito na siya binaril ng isa sa mga suspek gamit ang airgun. Gumanti naman ang construction worker at sinaksak nito sa leeg ang bumaril sa kanya gamit ang dala nitong bolo, ayon sa mga awtoridad.

Patay agad ang suspek, samantalang nakatakas ang apat nitong kasamahan.

Pinaghahahanap na ng pulis ang apat.