Isa sa most wanted sa Bicol nadakip sa Camarines Norte

Naaresto ng mga operatiba ng Police Regional Office - 5 (PRO5) ang ika-apat sa pinaka-wanted na personalidad sa rehiyon nitong Lunes sa Camarines Norte.

Naaresto ng mga operatiba ng Police Regional Office – 5 (PRO5) ang ika-apat sa pinaka-wanted na personalidad sa rehiyon nitong Lunes sa Camarines Norte.

Kinilala ang suspek sa alyas na ‘Onyok.’

Ayon sa ulat ng PRO5, dinakip si Onyok sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 64 noong Nobyembre 23. Para ito sa kasong murder.

Dinala si Onyok sa Capalonga Municipal Police Station.

Samantala, iniulat din ng PRO5 na nitong Lunes lang ay 12 drug suspek ang kanilang nahuli sa iba’t-ibang operasyon.

Nakumpiska ng pulisya ang 3.21 gramo ng marijuana at 165.406 gramo ng shabu mula sa mga naturang anti-drug operation.