Isa pang kaso ng pagmamaltrato sa aso, viral!

Viral sa social media ngayon ang isa pang kaso ng pagmamatrato sa aso na nagngangalang Raiden.

Viral sa social media ngayon ang isa pang kaso ng pagmamatrato sa aso na nagngangalang Raiden.

Kamakailan lang ay gumawa ng ingay ang isang Facebook post kung saan ang golden retriever na si Killua ay nasawi dahil sa pananaga ng kanilang kapitbahay.

Sa isa muling Facebook post, ikinuwento ng amo ni Raiden ang kanyang dinanas nang ito ay makawala.

Aniya, abala siya sa kanyang trabaho nang paulit-ulit na tumawag ang kanyang ina.

Lakas-loob umano niyang sinagot ang tawag, at doon narinig ang balita na nakawala ang kanyang asong si Raiden.

Agad naman daw nilang hinanap ang alaga, at napag-alaman na nasa katayan na ito ng mga aso.

“Sabi tubusin daw [kaya] agad akong humanap ng pera para maagapan ko na ‘wag patayin,” saad sa post.

Suwerte naman umanong nabawi ang aso dahil kilala ng nakabili dito ang kanyang alaga, subalit mababakas umano ang pagkatakot nito.

“May mali sa last picture na lawlaw ang bunganga niya. Pasalamat pa na ‘di siya pinukpok,” dagdag pa sa post.