Isa nalang kulang: Admin slate sa 2025 elections, mabubuo na?

May manok na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa 2025 senatorial elections.

May manok na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa 2025 senatorial elections.

Ayon sa column ng beteranong mamamahayag na si Lito Banayo sa pahayagang Manila Standard, pasok sa Bagong Pilipinas unity team ni Pangulong Marcos ang mga reeleksyunistang sina Bong Revilla, Pia Cayetano, Lito Lapid, Francis Tolentino at Imee Marcos.

Pasok din sa admin slate ang nagbabalik na sina Tito Sotto at maaring si Ping Lacson pati na si Manny Pacquiao.

Kasama rin sina DILG Secretary Benhur Abalos, Congressman Erwin Tulfo at Representative Camille Villar na papalit sa puwesto ng kanyang inang si Senador Cynthia Villar.

Hindi pa naman tiyak kung kasama sa unity team si Medal of Valor awardee Ariel Querubin at maging si dating Senador Gringo Honasan.