Isa dedbol sa salpukan ng delivery van, bus sa CamSur

Patay ang tsuper ng isang delivery van matapos nitong makabanggaan ang isang pampasaherong bus sa Ragay, Camarines Sur ngayong Linggo.

Patay ang tsuper ng isang delivery van matapos nitong makabanggaan ang isang pampasaherong bus sa Ragay, Camarines Sur ngayong Linggo.

Ayon sa ulat ng Super Radyo dzBB, binabaybay ng delivery van ang kahabaan ng Andaya Highway nang mag-overtake ito sa dako ng Barangay GRS. Sa pag-overtake ng delivery van ay dito na bumulaga ang isang pampasaherong bus ng Elavil Tours.

Wasak ang delivery van at dead on the spot ang tsuper nito. Sugatan naman ang kanyang pahinante.

Samantala, wala namang naitalang sugatan sa mga sakay ng bus. Hawak ng pulisya ang driver ng bus habang umaandar ang imbestigasyon.