Ipo, Ambuklao, Binga dams nagpakawala ng tubig matapos malakas na buhos ng ulan dulot ni ‘Hanna’

Binuksan ang mga floodgate sa Ipo, Ambuklao, at Binga dams ng Sabado ng umaga upang magpakawala ng tubig matapos ang patuloy na malakas na buhos ng ulan, ayon sa datos ng PAGASA.

Binuksan ang mga floodgate sa Ipo, Ambuklao, at Binga dams ng Sabado ng umaga upang magpakawala ng tubig matapos ang patuloy na malakas na buhos ng ulan, ayon sa datos ng PAGASA.

Sa Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan, binuksan ang floodgate nito na may puwang na 0.30 meters upang mabawasan ang tubig nito. Umabot na kasi sa 100.95 meters ang nakaimbak na tubig sa dam, malapit sa 101-meter na spilling level nito.

Samantala, sa Ambuklao Dam sa Benguet, apat na gate ang binuksan na may puwang na 2 meters upang bawasan ang laman nito, na umabot sa 751.94 meters dahil sa malakas na buhos ng ulan sa mga nakalipas na araw. Nasa 752 meters ang spilling level ng Ambuklao Dam.

Sa Binga Dam, anim na floodgate ang binuksan na may 3-metrong puwang para makapagpakawala agad ng tubig dahil nasa 574.95 meters na ang water level doon. 575 meters ang spilling level ng Binga Dam.

Ayon sa PAGASA, tumaas rin ang lebel ng tubig sa iba pang mga dam sa Luzon na naitala noong Sabado, Setyembre 2:

Angat Dam: 200.48 meters
La Mesa Dam: 79.67 meters
San Roque Dam: 255 meters
Pantabangan Dam: 191.80 meters

Tanging ang Magat Dam (178.46 meters) at Caliraya Dam (286.34 meters) ang nakapagtala ng pagbaba ng water level, ayon sa ahensiya.