Ipipila gaya ng lahat: Resolusyon patungkol sa ICC, tatalakayin bilang normal na panukala lang — mambabatas

Layon ng naturang resolusyon na hikayatin ang pamahalaan na makipagtulungan sa International Criminal Court sa pag-imbestiga ng nakaraang administrasyon, ayon sa isang opisyal ng Kamara.

Pinabulaanan ni House Majority Leader and Zamboanga City Representative Manuel Dalipe na inutusan ni House Speaker Martin Romualdez ang Kamara na gawing prayoridad ang pagtalakay sa House Resolution No. 1477.

Layon ng naturang resolusyon na hikayatin ang pamahalaan na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa pag-imbestiga ng nakaraang administrasyon. Isinumite ito nina by Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. Manila at 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez.

“As chair of the Committee on Rules, I know for a fact that there is no instruction from the Office of the Speaker that requires us to give special attention to the House resolution seeking our cooperation with the ICC. This will be treated like all other House resolutions,” saad ni Dalipe.

BASAHIN RIN: Trabaho lang po: Pagtalakay sa resolusyon patungkol sa ICC ay ‘matter of course,’ mandato ng Kamara

Dagdag pa ni Dalipe, tatratuhin ng Kamara ang House Resolution 1477 gaya ng iba pang mga resolusyon na nakapila na sa Mababang Kapulungan.

Tiniyak rin niya bibigyang-pansin ito ng Kamara kahit pa mataas ang pagtingin at respeto nito kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.