Ipatupad na ‘yan: ‘Move forward’ na tayo sa Maharlika Fund—solon

Sadyang sinuspindi muna pansamantala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng MIF dahil gusto niyang ayusin pa ang IRR nito.

Hinikayat ni Albay Rep. Joey Salceda na mag “move forward” na ang lahat ngayong narepaso na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF).

“Now let’s move forward to more pressing issues—like what investments are the most critical at this point of our development. Water, transport, and energy infrastructure certainly come to mind,” saad ni Salceda sa isang pahayag na inilabas niya nitong Sabado, Nobyembre 11.

Dagdag pa niya, sadyang sinuspindi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng MIF dahil gusto niyang ayusin pa ang IRR nito.

“As PBBM (President Marcos) promised, MIF will be online by the end of 2023, and could make initial investments by the start of 2024,” sabi pa ni Salceda. “As I said repeatedly during the past month, it was always about recruiting who the President thinks can run MIF best.”

“Considering that the nominees still have to pass all necessary qualifications set by the Advisory Body, that actually widens the net we cast for appointees to lead the MIF. That was almost the entire point of the revision,” aniya.