Inyo rin ‘yan? 2 barkong pandigma ng China na-ispatan sa Basilan

Dalawang sasakyang pandagat ng China ang nakitang dumaan sa Basilan Strait sa loob ng Zamboanga Peninsula noong Huwebes, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Biyernes.

Dalawang sasakyang pandagat ng China ang nakitang dumaan sa Basilan Strait sa loob ng Zamboanga Peninsula noong Huwebes, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Biyernes.

Ayon sa AFP, mula sa People’s Liberation Army Navy (PLAN) ang dalawang pandigmang barko ng China.

Sinabi ni AFP public affairs office chief Colonel Xerxes Trinidad na nakita ng Naval Forces Western ang training ship ng PLAN na may bow number na 83 at amphibious transport dock na may bow number na 999.

Ayon naman kay Trinidad, mananatiling alerto ang AFP upang mabantayan ang karagatan ng Pilipinas.

“The AFP remains vigilant in monitoring all activities within our maritime zones and is committed to ensuring the safety and security of our waters,” aniya.

Maituturing na hindi ordinaryo ang insidenteng ito dahil malayo ito sa West Philippine Sea at ilang teritoryo ng inaangkin ng China kung saan kadalasang namamataan amng mga barko nito.