Investment roadshow sa Berlin! PBBM, patungong Germany para sa state visit sa Marso

Napapanahon ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Germany nitong Marso dahil ngayong 2024 ang ika-70 taon ng relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Germany, na pormal na nagsimula noong Oktubre 8, 1954.

Kasado na ang opisyal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Germany sa Marso 12.

Inanunsiyo ito ng Palasyo sa courtesy call ni German Federal Foreign Minister Annalena Baerbock sa Malacañang Palace nitong Huwebes, Enero, 11.

“I think we have finally managed, with your embassy’s staff, we’ve been driving them a little crazy. We keep moving things because things have been coming up. But I think we have come down on the March 12th, the March 12 date. So, I can commit to that now,” sabi ni Marcos kay Baerbock, na nasa bansa bilang bahagi ng kaniyang official visit sa imbitasyon ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Kaugnay niyan, umaasa si Marcos na magiging matagumpay ang kaniyang pagbisita sa Germany.

“I’m sure that after the visit to Berlin, many things will develop. We will be requiring your presence here more and more,” ani Marcos.

Ngayong 2024 ang ika-70 taon ng relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Germany, na pormal na nagsimula noong Oktubre 8, 1954.