Investment pa more! PBBM, tutungo ng Jakarta para sa ASEAN Summit; pulong sa mga mamumuhunan, kasado na rin

Nakatakdang lumahok si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 43rd ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia ngayong Setyembre at makipagpulong sa mga negosyante upang maghikayat na mamuhunan sa bansa, ayon sa isang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nakatakdang lumahok si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 43rd ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia ngayong Setyembre at makipagpulong sa mga negosyante upang maghikayat na mamuhunan sa bansa, ayon sa isang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Maliban sa mga dayalogo at usapan na magaganap sa ASEAN Summit, lalahok rin ang pangulo sa mga pulong kasama ang mga kilalang kumpanya ang nakatakdang lumahok doon, ayon kay DFA Assistant Secretary Daniel Espiritu. Kabilang na rito ang WIR Asia, na naglalayong maglagay ng $20 milyon para palawakin ang mga inobasyon sa metaverse at artificial intelligence sa mga subsidiary nito sa Pilipinas.

Inaasahan makikipagpulong rin ang Pangulo sa kumpanyang Pasifik Satelit Nusantara, na nauna nang pumirma ng isang letter of intent sa Pilipinas noong Setyembre 2022. Layunin naman nito na magbigay ng mga update sa Pangulo tungkol sa kanilang mga proyekto para sa Pilipinas at sa nalalapit na paglulunsad ng kanilang satellite sa Disyembre 2023.

Plano rin umano ng Pasifik Satelit Nusantara, na maglaan ng 13.5 gigabytes bawat segundo na bandwidth para sa Pilipinas bilang pagsuporta sa layunin ng administrasyon na mapabilis at mapaganda ang internet connection sa bansa.

Lalahok rin sa summit ang mga laboratoryong Darya-Varia Laboratoria at Vaksindo Satwa Nusantara, na nauna nang nagparating sa Malacanang ng kanilang planong bigyan ang Pilipinas ng mga bakuna para sa Avian influenza, ani Espiritu sa isang pulong balitaan sa Palasyo.

Umaasa si Espiritu na mapapalawig pa ang interes ng mga mamumuhunan sa bansa sa pamamagitan ng mga pulong na personal na dadaluhan ng Pangulong Marcos.